Unique, this is how we will describe this entry. The way they celebrate Holy Week, especially the Processions is described into this one word.
The Diocesan Shrine of Nuestra Senora de los Desamparados Coronada in Marikina City is a must-see places to go during the Holy Week. With 83 Carrozas as of Holy Week 2019, the Diocesan Shrine is the 3rd longest Holy Week Procession in the Philippines (after Baliuag and Pulilan) and the longest in Metro Manila.
Holy Week Processions in Marikina began in 1892 and has 4 Processions (5 if you want to count the Salubong); the usual Holy Wednesday Procession, the Good Friday Procession and Burial of the Santo Entierro and the 2 unique Processions; the Easter Sunday Procession and recently premiered last year, the Pentecost Sunday Procession.
The Easter Sunday Procession takes place immediately after the Salubong and the Holy Mass of Easter Sunday. What makes this unique is that not only it consists of the Risen Christ, the Virgen Alegria, the Apostles and the Holy Men and Women but it also includes scenes from the "Via Lucis" (the Easter version of Via Crucis) and like other Processions, it goes through the streets of its Parishoners, unlike in most ares where the only Procession takes place during the Salubong. What makes this unique is that some of the images are used in a different titles in previous Holy Week Processions.
Here is the list of the scenes that is part of the Easter Procession as of this year, including the year it first appeared and their respective owners. The introduction of the Images are in accordance with the one said during the Easter Procession 2019 in Marikina (see).
Santo Cristo Resucitado: Ang Panginoong muling nabuhay (1957) - Efren Caro at Pamilya
- Ang Panginoong Jesus na nabuhay na muli gaya ng kanyang ipinahayag "Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay." Magugunitang isinalaysay sa mga Ebanghelyo na bukang-liwayway pa lamang ng ikatlong araw, matapos ang pagpapako sa Krus ay nagtungo si Maria Magdalena at ilang mga kababaihang alagad sa libingan. Tumambad sa kanila ang libingan kung saan ang malaking batong harang ay nabuksan na.
Ang Pagsalubong ni Hesus sa kanyang Inang si Maria (1985) - Emmanuel Ignacio at Pamilya
- Sa madaling araw ng Linggo ng Pagkabuhay, ipinagdiriwang ang "Salubong" ni Jesus na Muling Nabuhay at ng kanyang Mahal na Ina. Kasunod nito ang pagtatanggal ng belo, na hudyat ng lubos na pagdiriwang. Tunay na katuparan ng pahayag na “gayung man ay nalulumbay kayo ngayon, ngunit muli akong magpapakita sa inyo at maguumapaw sa puso ninyo ang kagalakang hindi maaagaw ninuman.”
Ang Pagtagpo ng mga Apostol sa Libingang walang Laman (2013) - Marky Lawrence Enriquez at Pamilya
- Noong unang araw ng Sanlinggo, ay maagang pumunta sa libingan si Maria Magdalena at ilang kababaihan, nakitang ang bato ay naalis na sa libingan. Sinabi niya ito sa mga Alagad at sila’y yumuko upang tignan ang loob at nakita nilang nakatalad ang telang lino, ang panyo na inilagay sa ulo ni Hesus ay hindi kasamang nakalatag sa mga telang lino, kundi bukod na nakatiklop sa isang tabi.
Ang Pagpapakita ni Hesus kay Magdalena (1984) - Pamilya Legazpi
- Ngunit si Maria ay nakatayong umiiyak sa labas ng Libingan. Habang umiiyak, siya’y yumuko at tumingin sa loob ng libingan, siya’y lumingon at nakitang may nakatayo, subalit hindi niya alam na iyon ay si Hesukirsto. Sinabi sa kanya ni Hesus “Huwag mo akong hawakan, sapagkat hindi pa ako nakaakyat sa Ama. Ngunit pumunta ka sa aking mga kapatid at sabihin mo sa kanila.”
Ang Paglalakad patungong Emaus (2013) - Orlando Narito Reynon at Pamilya
- Nang araw ding iyon, dalawang Disipulo, isa doon ay si Cleopas na patungo sa nayon ng Emaus. Kapagkuwan ay may lumapit sa kanila, hindi nila nakilala na iyon ang Panginoong Hesukristo. Habang siya’y nakaupo kasalo nila sa hapag, kanyang dinampot ang Tinapay at binasbasan, nabuksan ang kanilang mga mata, siya'y nakilala nila at siya’y nawala sa kanilang mga paningin.
Ang Pagbibigay ni Hesus ng Kapayapaan at kapangyarihang Magpatawad (2018) - Arabella Erica Crisostomo at Pamilya
- Nang magdadapit hapon na ng araw na iyon, habang nakasara ang mga pinto, dumating si Hesus at tumayo sa gitna, at sa kanila’y sinabi “Kapayapaan ang sumainyo, kung paanong sinugo ako ng Ama ay sinusugo ko rin naman kayo. Kung inyong patawarin ang mga kasalanan ng sinuman, ang mga iyon ay pinatatawad sa kanila.”
Ang Pag-aalinlangan ni Sto.Tomas (1987) - Samahang Aklat
- Ngunit si Tomas ay hindi kasama ng mga Apostol nang unang dumating ang Panginoon. Pagkaraan ng walong araw, ay muling nasa loob si Hesus at sinabi sa nag-aalinlangang si tomas “ilagay mo rito ang iyong daliri at tignan mo ang aking mga kamay. Ilapit mo rito ang iyong mga kamay at ilagay mo sa aking tagiliran.” Sumagot si Tomas at sinabi sa kanya “Panginoong ko at Diyos ko!”
Ang Pag-aagahan sa pampang ng Tiberias (2018) - Jarby Ross Estanislao at Pamilya
- Nang magpakita si Hesus sa mga Alagad sa pampang ng Tiberias, magkakasamang nangingisda sina Pedro, Tomas, Natanel at ang iba pang mga apostol. Sinabi sa kanila ng Panginoon “Halikayo at mag-almusal.” Hindi sila nangahas na siya’y tanungin ng “Sino ka?” dahil alam nilang siya ang Panginoon.
Ang Pagtatalaga ni Hesus kay Apostol Pedro (2014) - Cecilio SD. Santos at Pamilya
- Bago ang kaganapan ng muling pag-akyat ng Panginoong Hesukristo sa langit, ay inihabilin niya kay Apostol Pedro ang Simbahan. Magugunita sa Aklat ni San Juan na sinabi ni Hesus sa kanya “pakainin mo ang aking mga batang tupa.” Kasunod nito ay muling pinatatag ng Panginoon ang kalooban ng abang Apostol.
Ang Pag-akyat ni Hesus sa Langit (2013) - Rosa Jose at Pamilya
- Isinama ng Panginoong Hesukristo ang kanyang mga Alagad sa labas ng lungsod ng Jerusalem, sa lugar na malapit sa Betania. Winika ni Hesus ang mga mahahalagang habilin at ipinangako na “ako’y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng sanlibutan.” Habang ito ay nagaganap, ay unti-unti siyang lumalayo na animo’y umaakyat sa kaulapan ng langit.
Ang Paghihintay sa Panalangin ng mga Apostol at ni Maria (2019) - Mac Bacani at Jayson Tiamzon
- At nang mga Disipulo ay bumalik sa Jerusalem, nagsiakyat sila sa itaas ng kinatitirikan nilang silid. kasama ang mga Apostoles at nagsipanatiling matibay na nagkakaisa sa panalangin na kasama ang mga babae at Mahal na Birhen. Sa naturang pagdarasal ay ginawa ang bihilya bago pumanaog ang Espiritu Santo.
Ang Pagpanaog ng Espiritu Santo (1985) - Catalino Angeles at Pamilya
- Habang sila ay nagkakatipon, biglang dumating mula sa langit ang isang ugong na gaya ng isang humahagibis na hangin at pinuno nito ang buong bahay kung saan sila’y nakaupo. Sa kanila’y may nagpakitang parang mga dilang apoy na nahahati at lumapag sa bawat isa sa kanila, silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo, kapagkuwan ay nangaral na sila sa iba’t-ibang lugar.
Ang Pagkokorona sa Mahal na Birhen (1979) - Jose DJ. Cruz at Pamilya
- Ayon sa tradisyon, inakyat ang katawan at kaluluwa ng Mahal na Birhen sa langit. Tinaggap ng sangkalangitan ang pagdating niya. Winika sa aklat ng Pahayag “lumitaw sa langit ang isang babaeng nadarantang ng araw at nakatungtong sa buwan at sa kanyang ulo ay isang koronang binubuo ng labindalawang mga bituin” at itinangi siyang Reyna ng langit at lupa.
Virgen de la Alegria: Ang Inang Nagagalak (1892) – Pamilya Isidro at Mabagos
- Puspos ng kaligayahan sa muling pagkabuhay ng anak na si Hesus. Pagkatapos maranasan ang hapis at pughati, ay napuno ng lubos na galak ang Mahal na Ina. Ang liwanag na dala ng bukang-liwayway ay nagsilbing simula ng mga pangako ng kaligtasan. Magugunitang winika ng Panginoon “tatangis kayo at magdadalamhati, ngunit ang sanlibuta’y magagalak. Natitigib kayo ng kalungkutan, subalit ito’y magiging kagalakan.”
In between the Coronation Tableau and the Virgen de la Alegria, the Apostles and the Holy Men and Women are introduced.
During the Pentecost Procession, only the 12 Apostles and the Virgen Alegria are the ones that is taken out in Procession.