Friday, January 3, 2025

Texts of the Paraliturgical Rites during the celebrations in honor of Jesus Nazareno de Quiapo


This post is about the paraliturgical rites associated with the celebration honoring Nuestro Padre Jesús Nazareno de Quiapo before January 9, with the texts being the same one recited at Quiapo Church. These rites are integral to the expression of popular devotion and provide an opportunity for the faithful to deepen their connection with Christ through external signs of piety. Each rite reflects specific theological and communal dimensions of the devotion.

*****

31 DECEMBER

THANKSGIVING PROCESSION


INTRODUCTORY RITES

GREETING

The Celebrant:
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, 
at ng Espiritu Santo.
R. Amen.

Ang pagpapala at kapayapaan 
mula sa Diyos na ating Ama 
at mula sa ating Panginoong Hesukristo 
na siyang larawan ng Diyos na ‘di nakikita, 
nawa’y sumainyong lahat.
R. At sumaiyo rin.


INTRODUCTION TO THE CELEBRATION

The Celebrant:
Minamahal kong mga kapatid, 
tayo ay nagkakatipon-tipon ngayon 
para sa taunang Prusisyon ng Pasasalamat 
sa Panginoong Diyos 
para sa lahat ng biyayang ating natanggap 
sa nakalipas na taon.
 
Tayo ay nagpapasalamat 
para sa biyaya ng pag-gabay 
at pakikilakbay sa atin 
ng Panginoong Hesus Nazareno. 

Tayo ngayon ay humaharap sa Bagong Taon 
na may pag-asa at pagsusumikap 
dulot ng tulong 
ng ating Panginoong Hesukristo.
 
Ihanda natin ang ating sarili 
sa pamamagitan ng mga Panalangin.


PERPETUAL NOVENA 
TO THE NUESTRO PADRE JESUS NAZARENO

HYMN
Krus ng ating kaligtasan is beng sung / recited.


The Celebrant:
Mga kapatid, 
Sambahin natin ang ating Mahal na Poong Hesus Nazareno, 
siya ang ating Panginoong Diyos at Tagapagligtas.

READING (Matthew 16, 24-27)

The Reader:
Mga kapatid, pakinggan po ninyo ang sinasabi ng ating Panginoon.


PRAYERS AND REQUESTS

The Celebrant:
R. Hesus Nazareno, aming Panginoon at Diyos!
Karapat-dapat kang tumanggap
ng papuri at pasasalamat, 
parangal at paggalang,
kadakilaan at kapangyarihan magpakailanman! 
Amen.


1. Ikaw ang tanging Anak ng Diyos!
Naging anak ka rin ni Mariang Birheng kalinis-linisan.
Bigay ka ni Maria sa amin
bilang Tagapagligtas at kapatid.
Bigay mo si Maria sa amin 
bilang Ina namin at pag-asa.
Pinuno mo siya ng grasya.
Punuin mo rin kami ng grasya ng Espiritu Santo:
pag-ibig, kagalakan, kapayapaan,
pagtitiyaga, kagandahang-loob,
kabutihan, katapatan, kaamuan,
at pagpipigil sa sarili. 
Amen. R.
 
2. Inilalarawan mo sa amin
ang mukha ng Diyos na di nakikita;
ang Diyos na puspos ng pag-ibig at lipos ng habag.
Katulad mo kami sa lahat ng bagay, liban sa kasalanan.
Sa Binyag kami ay ginawa mong
mga anak ng Diyos na banal.
Sa aming pamumuhay araw-araw maipakita nawa namin
ang nakalulugod sa Ama namin. 
Amen. R.


3. Lubos mong naunawaan at nadama
kung gaano kasama ang kasalanan
ng bawat tao sa nakaraan, sa kasalukuyan
at hanggang sa katapusan ng panahon.
Sinunod mo ang kalooban ng Ama
na iyong tiisin ang maraming hirap at kamatayan sa krus
para tubusin ang mga tao
mula sa bawat lipi, wika, bayan, at bansa
at gawin silang mga saserdote para maglingkod 
sa Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat.
Kami nawa’y makasama mo
sa iyong patuloy na pagtitiis ng kahirapan
para sa kaligtasan ng sanlibutan. 
Amen. R.


4. Sapagkat ikaw ay mabuti.
Ang pag-ibig mo’y napakatatag at mananatili,
hindi kukupas, walang katapusan, hindi magwawakas. 
Amen. R.


RESPONSE

The Reader:
Hesus Nazareno, sa mga Katolikong di makapagsimba,
R. Maawa ka, Panginoon.

Hesus Nazareno, sa mga nagpapadasal at nagpapamisa,
R. Maawa ka, Panginoon.

Hesus Nazareno, sa mga hukom ng mga maralita,
R. Maawa ka, Panginoon.

Hesus Nazareno, sa mga pulis at guardiang maaasahan,
R. Maawa ka, Panginoon.

Hesus Nazareno, sa mga nag-iisip pumatay ng bata,
R. Maawa ka, Panginoon.

Hesus Nazareno, sa mga lumalapastangan ng kagubatan,
R. Maawa ka, Panginoon.

Hesus Nazareno, sa mga mag-anak na sidewalk-vendor,
R. Maawa ka, Panginoon.

Hesus Nazareno, sa mga anak ng mga OFW at marinero,
R. Maawa ka, Panginoon.

Hesus Nazareno, sa mga gutom, uhaw at hubad,
R. Maawa ka, Panginoon.

Hesus Nazareno, sa mga taong mapaghiganti,
R. Maawa ka, Panginoon.

Hesus Nazareno, sa mga balo at mga ulila,
R. Maawa ka, Panginoon.

Hesus Nazareno, sa mga masakim at makasarili,
R. Maawa ka, Panginoon.
 
Hesus Nazareno, sa mga naglilibing ng minamahal,
R. Maawa ka, Panginoon.

Hesus Nazareno, sa mga bagong binyagang Katoliko,
R. Maawa ka, Panginoon.


CONCLUDING PRAYER

The Celebrant:
Ama naming makapangyarihan,
niloob mong akuin ng iyong Anak 
ang krus at kamatayan
upang ang sangkatauha’y matubos at mabuhay.
Ang pag-ako namin sa krus 
at kamatayan dito sa lupa
ayon sa diwa ng pagsunod sa iyong loob 
na ginanap ng iyong Anak 
ay magpagindapat nawang aming kamtin
ang lubos na katubusan 
at pagkabuhay sa iyong piling
sa pamamagitan ni Hesukristo 
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
R. Amen.


CONCLUSION RITE

THANKSGIVING PROCESSION PROCESSION

The Celebrant:
Manalangin tayo.
Ama naming makapangyarihan, 
Ama ng aming Poong Hesus Nazareno
nagpapasalamat kami sa lahat 
ng biyayang iyong kaloob, 
lalo na sa biyaya na kaloob mo 
sa pamamagitan ng iyong Anak na si Hesukristo. 
Siya ang aming buhay at pag-asa 
at sa kanyang tulong, kami ay nakikinabang.
Na may pusong nagpapasalamat, 
kami ay magpuprusisyon 
at mag-aalay ng aming dasal sa iyo. 
Puspusin mo ng iyong pag-gabay 
ang aming taong sinasalubong 
at hayaan mong amin pa ring makapisan 
si Hesukristo 
na nakikiramay sa aming abang kalagayan. 
 
Nawa siya ang maging aming halimbawa 
na ang tunay na pag-ganap 
ng kalooban mo sa aming buhay 
at siya rin maging tagapagturo ng daan 
tungo sa aming pagkakabuklod-buklod 
bilang iyong sambayanan. 
Hinihiling namin ito 
sa pamamagitan ni Hesukristo 
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
R. Amen.

BLESSING

The Celebrant:
Sumainyo ang Panginoon.
R. At sumaiyo rin.

At Pagpalain nawa kayo 
ng makapangyarihang Diyos, 
Ama, Anak, at Espiritu Santo.
R. Amen.

*****

31 DECEMBER

BLESSING OF THE PEOPLE 
AFTER THE THANKSGIVING PROCESSION


PATER NOSTER

The Celebrant:
Mga Kapatid,
ating dasalin ang panalanging itinuro sa atin
ng Mahal na Poong Hesus Nazareno.

The Celebrant and the assembly: Ama namin...

The Celebrant:
Mga Kapatid, 
manalangin tayo sa Diyos 
upang ang pakikiisa natin sa prusisyon 
ay maghatid sa atin ng tulong 
patungo sa buhay na walang hanggan.

Manalangin tayo:
Ama naming makapangyarihan, 
ikaw ang maylikha ng langit at lupa 
sa iyong kapasiyahan 
ipinagkatiwala mo sa tao ang buong mundo 
loobin mong pangunahan ang aming mga buhay 
at samahan mo kami sa paglalakbay 
upang sa iyong pagpapala 
makamtan namin ang iyong kaluwalhatian 
ipagkaloob mo ang iyong pagbabasbas 
sa iyong minamahal na sambayanan.
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, 
at ng Espiritu Santo.
R. Amen.

*****

BLESSING OF THE ESTANDARTES

Note: This rite was performed on the Saturday preceding the Solemnity of the Epiphany in 2020 prior to the pandemic. The Blessing of the Estandarte was inserted with the Blessing of the Replica images when the Traslacion was resumed.

GREETING

The Celebrant:
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, 
at ng Espiritu Santo.
R. Amen.

Ang Panginoong Diyos na kahanga-hanga 
sa kanyang mga gawa 
ay sumainyong lahat.
R. At sumaiyo rin.


BLESSING OF THE ESTANDARTES

The Celebrant:
Mga kapatid, 
magpasalamat sa Diyos 
dahil sa kanyang kabutihan, 
lumikha ng Langit at Lupa 
at tanang kinapal 
upang dulutan ng tao 
ng kanyang mga biyaya 
at paunlakan ang lahat ng kahilingan ng tao.

Silence for personal reflection.

Manalangin Tayo:
O Panginoon, 
basbasan mo  ang mga Estandarteng ito 
na inilaan para sa iyong karangalan at kalooban. 
Loobin mong ang lahat na gumagamit nito 
ay magkamit ng iyong pagpapala 
at ipagadya sa panganib at sakuna, 
yayamang kaming lahat 
ay umaasa sa iyong biyaya 
at kagandahang loob. 
Sa Pamamagitan ni Hesukristo 
na aming Panginoon 
kasama ng Espiritu Santo 
magpasawalang hanggan. 
R. Amen.

At pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos, 
Ama,  Anak, at Espiritu Santo.
R. Amen.

The Celebrant and the clergy sprinkles the Estandartes with holy water.

*****

BLESSING OF THE REPLICA IMAGES

Note: This rite was performed annually on January 7 prior to the pandemic. When the Traslacion celebrations were resumed, the blessing of the images was done on various dates.


GREETING

The Celebrant:
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, 
at ng Espiritu Santo.
R. Amen.

Ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo,
ang pag-ibig ng Diyos Ama,
at ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo
nawa’y laging sumainyong lahat.
R. At sumaiyo rin.

 
INTRODUCTION TO THE CELEBRATION

The Celebrant:
Minamahal kong mga kapatid, 
tayo ay nagagalak 
dahil babasbasan natin 
ang mga Imahen ng ating 
Poong Hesus Nazareno. 
Ang mga imaheng ito 
ay isang pagsaksi sa katotohanang 
si Kristo ang nagpapakita at nagpapakilala 
sa atin na ang Diyos na hindi nakikita.
Ang walang hanggang Anak ng Diyos 
ay nagpakababa at siya’y dinala 
ng Mahal na Birhen sa sinapupunan. 
Si Hesukristo ang palatandaan 
at Sakramento ng Diyos Ama, 
si Hesus mismo ang nagsabi 
“ang nakakita sa akin 
ay nakakita na sa Ama” 
kaya nga sa ating pagbibigay dangal 
sa mga Imaheng ito ng ating 
Poong Hesus Nazareno, 
tayo ay tumingin kay Kristong naghahari 
kasama ng Ama 
at ng Espiritu Santo 
magpasawalang hanggan.
R. Amen.
 

READING (Colossians 1, 12-20)


PRAYERS OF THE FAITHFUL

The Celebrant:
Mga kapatid, 
manalangin tayo 
sa Diyos Amang mapagmahal 
na nagbigay sa atin 
ng kanyang Salitang lumilikha 
at nagliligtas.

1. Upang ang Poong Hesus Nazareno ay ating mahalin at sundin nang buong puso at lakas.
Manalangin tayo.

R. Panginoon, makawangis nawa namin ang iyong Anak.
 
2. Upang ang Poong Hesus Nazareno ay samahan natin sa mga kapatid natin na naghihirap. 
Manalangin tayo. R.

3. Upang tayo ay tumulad kay Hesus Nazareno, ang Poong maamo, mapagpakumbaba at mabuti. 
Manalangin tayo. R.

4. Upang tayo ay maghangad ng kapayapaan dulot ng pakikipagkapatiran at pakikipagkaibigan sa kapwa. 
Manalangin tayo. R.

5. Upang tayong mga Deboto ay manalig kay Kristong namatay sa Krus at muling nabuhay sa Langit. 
Manalangin tayo. R.
 

BLESSING OF THE REPLICA IMAGES

The Celebrant:
Manalangin Tayo:
Ama naming makapangyarihan, 
ikaw ay Diyos na hindi nakikita 
subalit nakita namin ang iyong pag-ibig 
noong ibigay mo ang iyong Anak, 
ang aming Poong Hesus Nazareno. 
Siya ay nanirahan sa bayan ng Nazaret; 
siya ay napakinggan nila, nakita, 
napagmasdan, nahipo ng kanilang mga kamay. 

Ang Poong Hesus Nazareno 
ay ipinahayag namin sa lahat 
sa pamamagitan ng mga Imaheng ito. 
Basbasan ninyo  ang mga imaheng ito 
at ang tubig na pangbendisyon upang kami 
ay laging mapaalalahanan ng iyong pagmamahal 
at pagdadala ng aming hirap at pagdurusa. 
Nawa maging kawangis nila 
ang iyong Anak sa kanyang pagpapakumbaba 
at pagsunod sa iyong kalooban, 
sa pagtitiis at pagmamalasakit sa kanilang kapwa 
at sa pagdadala ng Krus hanggang katapusan 
sa tulong ng Espiritu Santo
Magpasawalang hanggan.
R. Amen.
 

BLESSING

The Celebrant:
Sumainyo ang Panginoon.
R. At sumaiyo rin.

Ang di malilip na kapayapapaan ng Diyos 
ay magbigay nawa sa inyo 
ng pagkakakilala at pag-ibig 
sa Diyos at sa Anak niyang 
si Hesus Nazareno 
ngayon at magpasawalang hanggan.
R. Amen.

At pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos, 
Ama,  Anak, at Espiritu Santo.
R. Amen.

*****
(c) photo: Quiapo Churhc official FB page

No comments:

Post a Comment