Below are the texts used for the rite of Dungaw between the Nuestro Padre Jesus Nazareno and Nuestra Señora del Carmen, both venerated in Quiapo, Manila. This rite is done during the Traslacion of Jesus Nazareno every January 9 at the Basilica de San Sebastian.
*****
GREETING
The Celebrant:
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak,
at ng Espiritu Santo.
R. Amen.
Sumainyo ang Panginoon.
R. At sumaiyo rin.
INTRODUCTION TO THE CELEBRATION
The Celebrant:
Mga kapatid,
tayo ay natitipon ngayon upang sariwain
ang isang napakagandang tradisyon
ng ating mga ninuno,
ang Pagdungaw ng ating
Mahal na Birhen del Carmen
sa pagdaan ng Imahen
ng Mahal na Poong Hesus Nazareno
ay isang pagpapahayag
ng maigting na pagkakaisa
ng debosyon kay Maria
sa kanyang Anak na si Hesus.
Ating idalangin
na sa gawain nating ito,
tayo ay mas lalong umibig
sa Mahal na Poong Hesus Nazareno
sa pamamagitan ng ating pagmamahal
sa Birheng Maria.
READING (Juan 19, 25-27)
PRAYERS OF THE FAITHFUL
The Celebrant:
Mga kapatid,
humingi tayo ng Awa
sa Diyos na ating Ama
kasama ni Kristong Panginoon
at ni Mariang Ina ng Awa.
1. Upang ang mga taong magkakaiba ang paniniwala at paninindigan ay mag-usap na pairalin sa mundo ang katarungan at kapayapaan.
Manalangin tayo.
R. Panginoon, dinggin mo ang aming Panalangin.
2. Upang ang iba’t-ibang Kristiyano ay patnubayan ng Espiritu Santo para sa pagkakaisa ng kanilang mga puso’t damdamin kay Kristo.
Manalangin tayo. R.
3. Upang ang mga Deboto ng ating Poong Hesus Nazareno ay maging matatag sa Pagsisimba at pagsunod sa kanya.
Manalangin tayo. R.
4. Upang ang mga Deboto ng ating Poong Hesus Nazareno ay magpakita ng pamumuhay na bumubukal sa Kabanal-banalang Eukaristiya.
Manalangin tayo. R.
5. Upang sa Kapistahan, tayong mga Deboto ay sumama sa ating Panginoon hanggang sa kanyang Kaharian na ating hantungan.
Manalangin tayo. R.
The Celebrant:
Ama naming maawain,
tulungan nawa kami
ni Mariang Ina ng Diyos
na manalig kay Hesus
na siyang aming kapayapaan at buhay.
Magpasawalang hanggan.
R. Amen.
FINAL PRAYER
The Celebrant:
Manalangin Tayo:
Ama naming makapangyarihan,
tunghayan mo ang mga Panalangin
at kahilingan ng bayang dumudulog sa iyo
sa pamamagitan ni Maria, Birhen del Carmen.
Ipagkaloob mo na sa aming
taimtim na gawain sa Prusisyong ito,
kami ay mapalapit kay Kristo
ang Mahal na Poong Nazareno
na nabubuhay at naghahari,
ngayon at magpakaylanman.
R. Amen.
PATER NOSTER
The Celebrant:
Nang may tigib na pag-asa
sa pagkakandili ng ating Amang nasa langit,
tayo ay manalangin ng may lakas-loob.
The Celebrant and the assembly:
Ama namin, sumasalangit ka.
Sambahin ang ngalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo
dito da lupa para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon
ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin mo kami sa aming mga sala
para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso.
At iadya mo kami sa lahat ng masama.
BLESSING
The Celebrant:
Sumainyo ang Panginoon.
R. At sumaiyo rin.
At pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos,
Ama, ✠ Anak, at Espiritu Santo.
R. Amen.
No comments:
Post a Comment